Showing posts with label Pinoy. Show all posts
Showing posts with label Pinoy. Show all posts

Tula-tulaan

Bakit nga ba ikaw ang napili?
Napili na ikaw ang mahalin
Mahalin ng lubos at walang halong kasinungalingan
Kasinungalingan na walang puwang sa ating relasyon
Relasyon na pagtitibayin sa paglipas ng panahon

Patuloy akong nangungulila

Nangungulila sa iyong yakap at halik
Halik na walang katulad
Katulad mo ang aking hangad
Hangan na makapiling hanggang sa hinaharap

Aalagaan ko ang iyong puso

Puso ko'y tanging sa'yo
Sai'yo lamang ako habangbuhay
Habangbuhay kitang mamahalin
Mamahalin kita ng tunay at puno ng paglalambing

algelsignature

Unan

Nakakalungkot, gabi nanaman
Nasaan na kaya ang aking malambot na unan?
Isang araw nanaman ang nakalipas
Ngunit sa lungkot ng kahapon, ay di makaiwas

Nangungulila parin sa'yo aking sinta
Gabi gabi'y nakadungaw ako sa bintana
Hanggang kailan nga ba maghihintay
Sa araw na tanging ikaw ang taglay?

Tuwing gabi'y nais kang mahagkan
Ang iyong mga labi, nais kong mahalikan
Sa halip, pangungulila'y sa aking unan naibabaling
Upang makatulog lamang ng mahimbing

algelsignature
NAPATINGIN ako sa iyong mga mata
At sa isang iglap, ako ay natulala
Puso ko ay muling tumibok
Ngunit, di kaya ako lamang ay mapusok?

NAGUSTUHAN ko ang iyong mga ngiti
Wala akong pinalalampas na sandali
Nais ko'y araw-araw kang masilayan
Sa bawat sandali, ika'y mahawakan

MINAHAL ko ang lahat sa iyo
Sa buhay kong ito, kuntento na ako
Salamat sa pagdating sa aking buhay
Dahil pinintahan mo ito ng kaygagandang mga kulay

algelsignature